PNP Region-7 handang magbigay ng escort kay Peter Lim

Cebu, Philippines – Handa ang Police Regional Office -7 na magbigay ng police escort kung hihilingin ito ng Cebuano na negosyante na si Peter Lim mula sa kanila .

Ito ang tiniyak ni PRO-7 director , Chief Supt. Jose Mario Espino matapos ipahayag ni Lim na natatakot ito para sa kaniyang kaligtasan matapos mapatay sa raid ng PNP ang mayor ng Ozamis City na si Reynaldo Parojinog at iba ang 15 na ka tao .

Inamin ni Lim na natatakot siya sa kaniyang seguridad lalo na sa pagdalo nito sa preliminary investigation ng Department Of Justice sa reklamong inihain laban sa kaniya .


Nangako si Lim na dadalo ito sa imbistigasyon ng DOJ ngayong Agusto 14 at 17 upang mabigyan ito ng pagkakataon na linisin ang kaniyang pangalan matapos akusahan ng pangulo na isang drug lord sa Central Visayas .

Facebook Comments