2 babaeng pasahero, muntik magkasakitan dahil sa pagtatakip ng ilong

Screenshot captured from Kishien Ecleo's video on Facebook.

Muntik magkasakitan ang dalawang babaeng pasahero dahil sa pagtatakip ng ilong habang nasa loob ng bus.

Sa ngayo’y viral video, makikitang nagsisigawan ang nakatayong ginang at pasaherong kumukuha ng bidyo.

Batay sa Facebook post ni Kishien Ecleo noong Hulyo 14, nagalit sa kaniya ang matanda nang makita siyang nagtakip ng ilong.


Depensa ni Ecleo, ginawa niya ang pagtatakip para iwas-sakit sa kung anuman malalanghap sa aircon.

Pero giit ng nanggagalaiting babae, nainsulto siya sa aksyon ng dalaga dahil nangyari ang insidenteng habang katabi siya.

Umabot sa sigawan at murahan ang matinding komprontasyon ng dalawa.

Natigil ang pagtatalo nila matapos awatin ng mga rumespondeng pulis.

Naantala ang biyahe ng bus at naapektuhan ang ibang commuters sanhi ng namuong tensiyon.

Facebook Comments