Driver, nailigtas matapos matusok ng troso ang minamanehong kotse

(Photo: Whitfield County Fire Facebook)

Himalang nakaligtas ang isang drayber mula Georgia matapos matusok ng maraming troso mula sa nabanggang truck ang kanyang sasakyan.

Batay sa salaysay ni Whitfield County Fire Chief Edward O’Brien, yumuko daw ang driver para kunin ang nahulog na bagay sa loob ng sasakyan nang bigla itong tumama sa truck.

Tumusok mula harapang windshield hanggang likurang bintana ng sasakyan ang nasa 30- 40 troso na kinakailangan umanong putulin ng chainsaw para matanggal at mailigtas ang lalaking nasa loob.


(Photo: Whitfield County Fire Facebook)

Umabot sa 10 – 15 minuto ang pagsasagawa ng rescue operation ayon kay O’Brien.

Swerte raw na napayuko ang drayber dahil sakto lang din ang kanyang ulo sa pawang ng mga troso.

“It was as if it was almost created just for his head,” sabi ni O’Brien.

Nagtamo naman ng minor injuries ang naturang drayber at kaugnay nito, inaalam pa ng pulisya kung haharap ito sa ilang charges.

Facebook Comments