2 babaeng Pinay teenager sa Hong Kong, arestado sa pambubugbog sa kapwa-Pinay

Arestado ng Hong Kong Police ang dalawang teenager na babaeng Filipino matapos mangbugbog ng kapwa-Pinay teenager sa isang carpark doon.

Nabatid na isinugod ng 17-anyos na Pinay ang kanyang sarili sa ospital matapos itong magtamo ng mga sugat sa katawan.

Nakalaya naman ang mga suspek na 17 at 18-anyos matapos na makapagpiyansa.


Patuloy naman ang imbestigasyon sa kaso.

Ikinaaalarma na rin ng Hong Kong authorities ang pagtaas ng kaso ng sagupaan ng mga gang ng mga kabataan sa Hong Kong.

Facebook Comments