Hepe ng pulisya, inaresto matapos ‘patulugin’ sa kuwarto niya ang 2 babaeng preso

17633
Courtesy PNP-IMEG

CEBU – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang hepe ng Argao Police Municipal Station dahil sa ‘pakikipagtalik’ at ‘pagpapatulog’ ng dalawang babaeng preso sa kaniyang sleeping quarters.

Kinilala ni Police Colonel Ronald Lee, direktor ng PNP-IMEG, ang inaakusahang pulis na si Police Major Ildelfonso Miranda Jr., 46-anyos.


Sa isinagawang operasyon noong Huwebes, huli sa aktong katabi ni Miranda sa kama ang isang preso habang naiwan sa opisina niya ang isa pang bilanggo.

Narekober din sa cellphone ng hepe ang mga litrato ng dalawang inmate na katabi niya sa loob ng silid.

Napag-alamang sangkot sa drug-related cases ang mga nasasakdal.

Batay sa imbestigasyon, karelasyon daw ni Miranda ang isa sa mga bilanggo habang nagsisilbing helper ang isa pa.

Sasampahan ang pulis ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery at paglabag sa Article 156 ng Revised Penal Code na nagbabawal ng ‘Delivery of Prisoners from Jail.

Facebook Comments