Kaso ng Animal Bite sa Isabela, posibleng tumaas ngayong tag-init

*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa 2,732 ang kaso ng Animal Bite sa buong Probinsya ng Isabela sa katatapos na buwan ng Enero ngayong taon.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Ginang Vicky Ocampo, Provincial Health TB/Nurse Coordinator ng Isabela, posibleng madagdagan pa ang mga biktima ng kagat ng aso kapag sumapit ang summer season.


Batay sa datos ng Provincial Health Office, umakyat ng 35, 095 ang kaso ng animal bite noong 2019 na bahagyang bumama kung ikukumpara noong taong 2018 na umabot sa 35,500.

Sinabi pa ni Ocampo na kalimitang 15 anyos pataas ang nagiging biktima ng animal bite.

Sa ginawang assessment ng tanggapan ay mataas ang bilang ng mga biktima ng animal bite na mga mismong pet owner ang dahilan ng pagkakagat sa mga biktima nito.

Muli namang ipinaalala sa publiko na umiwas sa tradisyunal na pagtanggal ng rabies o ang tinatawag na ‘tandok’ dahil sa posibleng maimpeksyon at mauwi sa paglala ng sugat.

Tiyakin pa rin na kapag nakagat ng aso ay mangyaring hugasan ng running water na may sabon at magpatingin agad sa doktor para mabigyan ng anti-rabies vaccine.

Facebook Comments