2 Babaeng Pusher, Timbog sa PDEA

Tuguegarao, Cagayan – Dalawang babaeng pusher ang arestado sa ipinakat na buy-bust operation ng PDEA Region 2.

Bandang 12:30 ng hapon noong Disyembre 1, 2017 ay nagsagawa ang PDEA RO II kasama ang 17IB, 5ID, PA ng isang buy-bust operation sa Barangay Progresive, Gonzaga, Cagayan laban kay Marilyn Marquez y Gonzales na kasama sa mga drug watch list, 42 anyos, walang asawa at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.


Samantala, bandang 1:30 ng madaling araw ngayong December 3, 2017, ang pinagsamang grupo ng PDEA RO II at 17IB, 5ID, PA ay muling nagsagawa ng buy-bust operation sa Caggay,Tuguegarao City.

Nagresulta ito sa pagkakahuli sa aktong pagbebenta ni Minerva Baltazar y Taguiam, 37 anyos, walang asawa, at residente ng Pengue,Tuguegarao City ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isang PDEA agent.

Kasalukuyang pinoproseso ang kasong isasampa sa dalawa batay sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165.

Facebook Comments