HULI | Number 4 most wanted person ng Pateros PNP, arestado

Manila, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang number 4 top most wanted person ng Pateros Police Station sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Joy Casihan Dumlao, presiding judge RTC Branch 262 Pateros.

Si Alfred Jacobe alyas Lunggo, residente ng 19 Masagana Street, Barangay Sta. Ana, Pateros ay may kasong rape at naaresto kahapon ng alas 2:40 ng madaling araw sa Bataan bus transit sa Lakandula St., Barangay Poblacion, Mariveles, Bataan.

Nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Pateros Police Station sa pamumuno ni P/Sr. Inspector Jerven Galvez, hepe ng Warrant and Intelligence Section, matapos na itimbre ng confidential informant na naispatan si Jacobe sa Mariveles Bataan, kayat agad na nagtungo ang mga operatiba sa pangunguna ni SPO4 Ismael San Pedro na nakipag-ugnayan sa Mariveles Bataan Police Station upang matagumpay na maaresto ang naturang suspek.


Facebook Comments