2 Bahay at Poste ng Kuryente, Inararo ng Wingvan Truck na may Lamang Pinutol na Kahoy

*Cauayan City,Isabela*- Aksidenteng nabangga ng isang Isuzu Wingvan lulan ng 5 katao ang dalawang kabahayan at poste ng Isabela Electric Cooperative pasado 2:45 kanina sa pambansnag lansangan ng Brgy. Villapaz, Naguillian, Isabela.

Kinilala ng drayber ng van na si Lemar Viernes, 24 anyos na residente ng Sta. Maria habang kinilala ang mga pahinante nito na sina Orlando Gamiao, 46 anyos, may asawa; Earl John Littaua, 17 anyos, binata; Gilmar Gamiao, 20 anyos, binata at Leomer Achoara, 27 anyos na kapwa mga residente ng Brgy. Cabisera 8, Ilagan City, Isabela.

Ayon kay P/Maj. Gary Macadangdang, Hepe ng PNP Naguillian, binabagtas ng drayber ng wingvan ang west direksyon nang biglang tumigil ito dahil sa mechanical trouble at ng pababa ang mga ito sa naturang sasakyan upang tignan ang sira ay bigla na lamang umabante ang sasakyan dahilan para mabangga ang dalawang bahay at poste ng kuryente.


Dagdag pa ng hepe, lulan ang sasakyan ng mga pinutol na kahoy kung kaya’t nagsagawa ng beripikasyon ang pulisya sa DENR kung legal ang pagbiyahe ng mga ito sa nasabing mga kahoy habang hinihintay parin ang resulta nito.

Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente habnag inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence resulting in Multiple Damage to Property laban sa drayber ng wingvan.

Nananatili sa kustodiya ng pulisya ang lahat ng sakay ng nasabing wingvan truck.

Facebook Comments