2 Bahay sa Cauayan City Isabela, Tinupok ng Apoy!

Cauayan City, Isabela – Walang nailigtas na ari-arian ng pamilya Tolentino Turingan at Cecile Antiporda matapos ang mabilis na pagkalat ng apoy sa kanilang dalawang palabag na bahay sa Barangay Turayong, Cauayan City, Isabela.

Nagsimula umano ang sunog sa isang pansitan na nasa baba ng bahay ng isa sa pamilya at kumalat ito sa kadikit na bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa pawang gawa sa kahoy ang dalawang bahay sa kabila rin na apat na pamatay sunog ang nagresponde sa nasabing pangyayari.


Samantala nagsimula ang sunog pasado alas otso ng umaga, August 27.2018.







Facebook Comments