2 Bangkay ng lalaki, Narekober sa Santiago City!

333

*Santiago City-* Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga otoridad kahapon sa magkaibang lugar na sakop ng Lungsod ng Santiago.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Santiago City Police Station 1, narekober nang madaling araw kahapon ang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na may malalang sugat sa mukha at naligo sa sariling dugo sa Sitio Kirat, Brgy. Rizal, Santiago City.


Batay sa report ng PNP ay tinatayang nasa 5’3” hanggang 5’5” ang taas ng biktima at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos naman ang edad ng narekober na bangkay.

Sa ngayon ay nasa isang funinarya ang bangkay ng biktima at patuloy pang inaalam ng presinto uno ang pagkakakilanlan nito.

Patuloy din ang pagsisiyasat ng PNP hinggil sa motibo ng pagpatay at pagkakakilanlan ng salarin.

Nananawagan naman ang himpilan ng pulisya sa mga nakakakilala o nawawalan ng kamag-anak na ipaalam at magtungo lamang sa kanilang himpilan upang kilalanin ang narekober na bangkay.

Samantala, isa pang bangkay ng isang lolo ang natagpuan na palutang- lutang sa gilid ng irigasyon sa Brgy. Nagassican ng Lungsod ng Santiago.

Kinilala ang biktima na si Federico De Vera Soriano, 72 anyos at residente ng brgy. Sagana, Santiago City.

Batay sa report na nakuha ng RMN Cauayan, una na umanong naipatala sa presinto dos ang pagkawala ng naturang lolo noong Dec. 14 at natagpuan na lamang ang bangkay nito kahapon na palutang-lutang sa irigasyon.

Ayon sa mga kaanak ng biktima ay mayroon umanong Alzheimer’s disease ang naturang biktima kung saan ay naiuwi na ng mga kaanak ang mga labi ni Federico Soriano.

Facebook Comments

From Advertisers