2 Barangay Officials Arestado ng CIDG ARMM

12

Dalawang barangay kagawad ang naaresto sa mas pinalakas na kampanya na Oplan Panlalansag Omega at Salikop.
Kinilala ang mga arestadong opisyal ng barangay na sina HADJI SALIPADA A. LIDASAN , BADRUDIN D. KUTIN na kapwa mga residente ng Poblacion 2 Shariff Aguak, Maguindanao na nakumpiskhan ng 2 m16 at mga bala.
Sinasabing primary target ng Search Warrant Operation si Lidasan, ngunit namataan rin ng mga operatiba si Kagawad Kutin na bitbit ang isang high powered firearms sa lugar resulta ng pagkakaaresto rin nito.
Kasalukuyang himas rehas na ang dalawa sa jail facility ng CIDG ARMM ang mga naresto at nahaharap na sa kaukulang mga kaso.

Facebook Comments