Magsasaka sa Tumauini, Isabela, Arestado sa Pamamaril at Pag-iingat ng Droga’t Granada!

*Tumauini, Isabela*- Arestado sa pamamaril at pag-iingat ng droga ang isang magsasaka bandang alas singko kaninang umaga sa brgy. Namnama, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Nicolas Magsanoc Domingo, kwarentay tres anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, ipinaabot umano ng isang concerned citizen ang pamamaril ng suspek sa nasabing barangay na agad namang nirespondehan ng mga pulis.


Nang makarating sa lugar ang mga rumespondeng pulis ay aktong tinututukan ng suspek ang biktima at tinangkang paputukan ang mga rumespondeng pulis.

Nadakip rin ng mga pulis ang suspek at nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre trentay otsong baril na may apat na bala, isang sachet ng hinihinalang shabu at isang Granada.

Facebook Comments