2 barangay opisyal sa Agusan Del Sur na dinakip ng PDEA, drug pusher ayon sa PNP

Manila, Philippines – Drug pusher ang dalawang barangay opisyal sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur na dinakip ng mga kasapi ng PDEA noong lingo, Marso 26.
 
Ayon kay PSI Jerry Fernandez, Hepe ng Prosperidad Municipal Police Station, nang inilunsad ang unang bahagi ng  Oplan Tukhang ng PNP sumuko ang mga suspek na  sina Barangay Kapitan Romeo Lagat at Barangay kagawad Danilo Umali at inamin nito sa PNP na sila ay nagbebenta ng illegal na druga.
 
Sabi ng opisyal, posible bumalik sa dating gawi ang mga opisyal ng itinigil ni Pangulong Duterte ang “Oplan Tukhang sa PNP” nitong taon.
 
Sinabi naman ni PDEA Caraga Regional Director Gilbert Buenafe, kahapon naisampa na ang kasong Violation to RA 9165 laban sa dalawang opisyal na nakunan ng shabu na aabot sa mahigit 10 grams.


Facebook Comments