Dalawa katao, patay matapos pagbabarilin sa Marikina City

83
Manila, Philippines – Patay ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob mismo ng kanilang bahay sa barangay Tumana, Marikina City.

 

Kinilala ang magbilas na biktima na sina Lorie Nanac Dela Cruz at Jeffrey Sumayang, kapwa nasa drug watch list ng barangay.

 

Kwento ng pamangkin ng mga biktima, lima hanggang pitong suspek na nakatakip ang mga mukha ang pumasok sa kanilang bahay at sapilitang pinalabas ang target saka pinagbabaril.

 

Nabatid na kalalabas lang sa kulungan ni Sumayang matapos makapag-piyansa sa kinakaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga.



Facebook Comments