2 Barangay sa Cauayan City, Idineklarang ‘Drug Cleared’ ng PDEA Region 2

*Cauayan City, Isabela-* Idineklarang ‘drug cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA Region 2) ang dalawang barangay sa Lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng Brgy. Pinoma at Naganacan matapos na makatanggap ang PNP Cauayan ng sertipikasyon na nagsasaad na cleared barangay ang mga ito.

Una rito, 46 barangay ang apektado ng iligal na droga sa lungsod at may kabuuang 9 ang idineklarang ‘drug cleared’ barangay ng PDEA region 2.

Ayon kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan, nasa 44% na ang clearing operations kaugnay sa droga at malaking tulong ito upang mapanatili ang katahimikan sa mga barangay maging sa isyu ng droga sa lungsod.


Aniya, nasa 19 na barangay na ang drug free habang nasa 5 ang for validation at 6 pa ang ready for submission sa PDEA dahil hinihintay na lamang ng kapulisan ang ilan pang dokumento para dito.

Kamakailan ay idineklarang ‘drug cleared’ ng PDEA ang Brgy. San Antonio at Sta. Maria sa nasabing lungsod.

Hinihikayat naman ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan para sa agarang pagsugpo sa isyu ng droga

Facebook Comments