2 barangay sa Metro Manila, ibinahagi ang mga aksyon ngayong kasagsagan ng ECQ

Tiniyak ni Chairwoman Lorie Morales ng Barangay 143 Zone 15, Pasay City ang kahandaaan ng kanilang barangay ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Morales na tuluy-tuloy ang pamimigay nila ng ayuda at tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng ECQ.

Wala pa namang naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar pero patuloy ang kanilang paglilinis para hindi makapagtala ng virus.


Samantala, inamin ni Chairman Hernand Abuyo ng Barangay 840, Zone 91, Pandacan, Maynila na nahihirapan ang kanilang barangay na magbigay ng ayuda sa kanilang mga residente.

Hindi pa kasi, aniya, dumarating sa kanilang barangay ang mga relief goods mula kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya hindi pa sila makapamahagi ng tulong at ayuda.

Facebook Comments