Occidental Mindoro – Isinailalim na sa state of calamity ang dalawang barangay sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Romel Calingasan, municipal agriculture officer, naapektuhan ng matinding tagtuyot ang Barangay Central at Barangay San Agustin.
Aniya, wala nang napagkukunan ng tubig para sa irigasyon ng mga palay sa lugar dahil natuyo na ang mga ilog sa bayan ng San Jose.
Sa tala ng Provincial Agriculture Officer, nasa 11 bayan na ang apektado ng matinding tagtuyot at umaabot na sa ₱31 milyon ang halaga ng pinsala sa mga palayan.
Samantala, inirekomenda naman na ng Provincial Agriculture Office ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Occidental Mindoro dahil sa pinsala ng matinding tagtuyot sa mga palayan.
Bukod rito, hiniling na rin nila sa Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng cloud seeding.