Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang christening at commissioning ng dalawang patrol vessels mula sa Estados Unidos.
Ginawa ito sa headquarters ng Philippine Navy sa lungsod ng Maynila.
Ipinangalan ang mga barko sa dalawa sa mga tagapagtatag ng Katipunan na sina Valentin Diaz at Ladislao Diwa.
Nailipat ang mga barko sa Pilipinas sa pamamagitan ng Excess Defense Articles (EDA) program ng Amerika.
Magiging bahagi ang mga barko ng Alvarez-class patrol vessels ng Navy.
Inaasahang gagamitin ang mga barko sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa at iba pang operasyon, gayundin sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HA/DR) Operations.
Facebook Comments