Suspek sa road rage sa Valenzuela City, nahaharap sa patong-patong na kaso

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang lalaki na naglabas ng baril sa nangyaring road rage sa Valenzuela City noong August 19, 2023.

Kasong grave threat at alarm and scandal ang kinakaharap ng driver ng SUV na si Marlon Malabute.

Ayon kay Valenzuela City Police Chief Col. Salvador Destura Jr., si Malabute ay isang negosyante at natunton ang pagkakakilanlan nito pamamagitan ng deed of sale ng puting Fortuner.


Matatandaan na naging viral sa social media ang naging insidente kung saan una ng ni-revoke ng PNP ang license to own and possess firearms ni Malabute pati na rin ang rehistro ng kanyang baril.

Maging ang Land Transportation Office (LTO) ay naglabas din ng show cause order sa posibleng pagbawi sa kaniyang drivers’ license.

Facebook Comments