2 bata na dumalo sa isang picnic, patay matapos malunod sa ilog sa Pangasinan

Patay ang isang 12 taong gulang at 10 taong gulang na batang babae matapos i malunod sa ilog ng Brgy. Darawey Bayambang Pangasinan.
Kinilala ang mga nasawi na si Rosalyn Carunongan, grade 5 student at Daniella Ross Dela Cruz, grade 4 student at pawang residente ng Barangay Warding sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, nagkaroon umano ng picnic ang mga ito kasama ang kanilang iba pang kaibigan sa nasabing lugar at nagkayayaan na maligo sa ilog.
Hindi namalayan ng mga ito na mayroon pa lang malalim na parte ang ilog.
Dahil walang alam sa paglangoy ang dalawa at lakas ng agos ng tubig sa ilog doon na nalunod ang dalawa.
Narekober naman ang katawan ng bata matapos ang dalawang oras na paghahanap dito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
Itinakbo ang dalawa sa ospital ngunit idineklara ng dead on arrival.
###

Facebook Comments