2 bata, natagpuang patay sa Ilog Pasig

Dalawang bangkay ng bata ang nakita nang palutang-lutang sa Ilog Pasig sa Barangay West Rembo at Poblacion sa lungsod ng Makati kanina mga pasado alas sais ng umaga.

Halos ilang oras lamang ang pagitan nang makita ng mga residente ang dalawang bangkay.

Ayon sa Makati police, posible ito na ang dalawang bata na ipinost sa Facebook na nawawala dahil sa makapareho ang diskripsyon ng mga bangkay na may edad 7 hanggang sa 8 taong gulang at pareho na nakasuot ng sando.


Sa ngayon hindi pa matukoy ng mga pulis kung ito ba ay nalunod habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments