2 bata, patay sa pagsabog ng ‘pinaglalaruang’ rifle grenade

1915
Courtesy Mark Bacroya/DXDR-RMN Dipolog

DIPOLOG CITY – Patay ang dalawang bata, edad 7 at 5, nang sumabog ang rifle grenade sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Sicayab, Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng DXDR-RMN Dipolog, kinilala ang mga nasawi na sina Abdul Malik Pasculado at Umar Khattab Pasculado.


Sa paunang imbestigasyon, lumabas na posibleng napaglaruan ng mga biktima ang granada.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilzen Niño Manese, hepe ng Dipolog City police, naganap ang insidente pasado alas-9 ng umaga.

Aniya, inaayos ng tatay ang panindang ukay sa labas ng bahay nang marinig ang pagsabog mula sa kwarto ng mga biktima.

“Ang negosyo kasi nito ay ukay-ukay so kung makikita mo yung bahay magulo, maraming mga gamit. Sa investigation namin, naitago yung rifle grenade ng tatay,” ani Manese.

Napag-alaman din na retiradong pulis ang lolo ng mga paslit.

“So most probably meron silang mga savings nung una pa na hindi nila na-dispose o nai-turnover sa PNP (Philippine National Police),” saad ng pulis.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pagsabog.

Facebook Comments