Lolo na Wanted sa Batas, Huli!

39

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 9 most wanted municipal level matapos itong maaresto sa Sitio Disiguit, Gangalan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Marcos Ramos, 63 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.


Inaresto ng mga elemento sa ng PNP San Mariano si Ramos sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Alfred Alex Castillo, ng 6th MCTC San Mariano, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapagpiyansa ng halagang Php36,000.00.

Facebook Comments