2 bata, patay sa sunog sa Maynila

38

Patay ang dalawang bata sa nangyaring sunog sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Bureau, nakulong umano ang dalawang bata sa kanilang nasusunog na bahay.


Nakilala ang mga biktima na sina Aliyah Morales, 9-taong gulang, at Anastasia Morales, isang taong gulang.

Umabot lamang ng first alarm ang sunog na nagsimula ng alas-9:16 ng umaga at naapula matapos ang halos kalahating oras.

Tinatayang nasa 30,000 ang halaga ng pinsala ng nangyaring sunog na nagsimula sa second floor ng bahay kung saan inaalam na kung ano ang pinagmulan nito.

Facebook Comments

From Advertisers