Zaldy Ampatuan, nasa stable condition na matapos atakihin sa puso – BJMP

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology na batay sa pinakahuling medical bulletin, nasa maayos nang kalagayan si Zaldy Ampatuan, ang dating gobernador ng ARMM na sangkot sa Maguindanao massacre.

Ayon Kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, 3:30 noong Lunes nang isinugod si Zaldy Ampatuan sa ospital matapos atakihin sa puso.

Hindi naman tinukoy ni Solda kung saang ospital dinala si Ampatuan dahil sa usapin ng seguridad.


Si Zaldy Ampatuan ay ang sinasasabing utak sa pagpatay sa 58 na mamamahayag sa Maguindanao.

Facebook Comments