2 bata, tinangkang dukutin ng isang babae sa Marikina

23

Marikina City – Arestado ang isang 70-anyos na babae matapos umanong tangkain tangayin ang 2 bata sa Marikina City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina Police, kumakain sa labas ng kanilang bahay ang unang biktima nang biglang hilahin ng suspek ang braso nito.

Mabuti na lamang agad itong nakita ng nanay ng biktima kaya agad na umalis ang suspek.

Matapos naman ang ilang sandali, isa pang bata ang tinangka umano tangayin ng suspek sa parehong lugar.

Nakatakbo naman sa nanay ang biktima na agad ini-report ang insidente kaya at agad na naaresto ang suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng Marikina Police ang suspek na residente umano ng Bulusan sa Bicol.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments