Ilang establisyimento sa Caloocan, ipinasara ng BIR

Caloocan City – 9 na establisyimento ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Caloocan City dahil umano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Kabilang sa mga apektadong establisimyento ang hardware store, salon, coffee shop, carwash at iba pa.

Ayon kay BIR Caloocan Regional Director Manuel “Manny” Mapoy, madalas nasisita sa mga negosyante ang hindi tamang pagdedeklara ng ibinebenta.


Napag-alaman din ng ahensya na ang isang hardware store ay gumagamit ng hindi rehistradong resibo.

Facebook Comments