2 Bayan sa Cagayan, ‘Zero Case’ na sa COVID-19; Fully-vaccinated na Kabataan, Pwede nang Lumabas

Cauayan City,Isabela- Nasa dalawang (2) bayan sa lalawigan ng Cagayan ang zero case na sa COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO).

Kabilang rito ang mga bayan ng Sta. Teresita at Calayan.

Bukod dito, nanguna pa rin ang Tuguegarao City sa may mataas na aktibong kaso na pumalo sa 67, sinundan ng bayan ng Baggao na pawang mga lugar sa probinsya na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga tinamaan ng virus sa mga nakalipas na buwan.


Naitala naman ng Cagayan ang 48,579 na recoveries habang 2,100 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Nakapagtala naman ng 51,046 cumulative cases ng COVID ang probinsya at 367 nalang ang aktibong kaso sa kasalukuyan.

Samantala, bahagyang hinigpitan ang paglabas ng mga bata sa Tuguegarao City kung saan ang mga edad 12 hanggang 17 na kabataan na fully vaccinated ang pinapayagan lamang na makapasok sa mga mall upang makapamasyal kasama pa rin ang kanilang mga nakatatandang miyembro ng pamilya.

Habang ang mga edad 12 pababa ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas maliban sa emergency cases at travel.

Facebook Comments