2 Bayan sa Isabela, Sabay na Idineklarang ‘DRUG CLEARED’ ng PDEA Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Sabay na idineklara bilang ‘Drug Cleared Municipality’ ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang dalawang bayan na kinabibilangan ng San Manuel at San Isidro matapos maipasa ang balidasyon ng oversight committee ng nasabing ahensya.

Ayon kay Mayor Vilmer Bravo ng Bayan ng San Isidro, nagbanta ito na papatayin ang sinumang magtatangkang magpasok ng iligal na droga sa kanilang bayan matapos ang deklarasyon.

13 ang barangay ng Bayan ng San Isidro ang nasa ilalim ng iligal na droga habang 19 naman na barangay ang sa Bayan ng San Manuel.


Kaugnay nito, mas paiigtingin pa ng pulisya sa nasabing mga bayan ang kanilang kampanya para mapanatili ang hidi pagpasok ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.

10 bayan na sa kabuuang 37 ang ‘drug cleared sa buong Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments