Barangay Tanod, Nagpakamatay sa Harap ng Kanyang Asawa!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang Tanod matapos magbaril sa sarili sa harap mismo ng kanyang asawa sa Brgy Salay, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Arturo Manuel, 57 anyos, may-asawa, Barangay Tanod at residente ng Brgy Salay, San Agustin, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Prospero Agonoy, hepe ng PNP San Agustin, bandang alas 10:00 kagabi nang itutok ng Tanod ang hawak na home made pistol sa kanyang panga at agad na ipinutok habang nasa harap nito ang asawa.


Ayon kay PCapt Agonoy, financial problem ang kanilang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima dahil ayon sa misis nito ay problemado ang biktima kung saan kukuha ng pang-patanim at pang abono ng palay.

Facebook Comments