Dagupan City – Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang pagbabawal sa pangunguha, pagkain at pagbebenta ng shellfish galing sa mga bayan ng Anda at Bolinao Pangasinan.
Sa inilabas na advisory ng BFAR kahapon negatibo na sa paralytic shellfish poison o mas kilala na red tide ang katubigan ng nabanggit na mga bayan sa lalawigan. Matatandaang naglabas ng red tide advisory ang BFAR-Region 1 noong Abril 26 at Mayo 3 na nagbabawal sa pakuha, pakain, at pagbenta ng mga lamang dagat mula Bolinao at Anda.
Samantala patuloy parin ang BFAR at Department of Agriculture sa pagmomonitor sa mga katubigang saklaw ng rehiyon uno upang masiguro ang ligtas na pagkain at pagbenta ng lamang-dagat mula sa red tide toxin.
Facebook Comments