Dalawang di umanoy mga myembro ng Bangsamoro Islamic FreedomFighters ang sumuko sa pamahalaan sa Pikit North Cotabato.
Bitbit ng mga nagpakilalang Alias Nords at Nash ang kanilang mga baril na kinabibilangan ng Noveske N4 carbine, isang homemadeM79 Grenade Launcher, isang short M16 magazines na may kasamang labinglimang (15) 5.56mm na bala, at dalawang bala na high explosive 40mm grenadelauncher.
Naging possible ang pagbabalik loob ng mga ito sa tulong ngmga Brgy. Official ng Buliok , Pikit LGU at 7th Infantry Batallion.
Samantala sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, 10 high powered firearms naman ang isinuko mula sa ibat ibang barangay ng bayan.
Itoy kasabay pa rin na kampanya kontra loose firearms.
Nanguna sa ceremonial turn over kahapon si Mayor Datu PaxAli Mangudadatu kasama si DAS COP Lt. Judith Ambong at 2nd MechBatcom Lt.Col Omar Orazco.
Kabilang sa mga ibinalik sa gobyerno ay mga Sniper Barret Rifle.
Bukas parin ang militar sa mga gustong magbalik loob sa gobyerno at iginiit na may kaakibat na pangkabuhayan para sa mga ito.
2 BIFF Sumuko sa Pikit North Cotabato, 10 Loose Firearms Isinuko sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao
Facebook Comments