Aabot sa dalawang Bilyong Piso ang kailangan para sa pagbuo ng ipinapanukalang Department of Water Resources.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, mahalagang maitatag ang kagawaran upang matiyak ang proper management at delivery ng water resources sa bansa.
Ang National Water Resources Board (NWRB) ang magsisilbing core organization ng proposed department habang ang ilang ahensya gaya ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Local Water Utilities Administration (LWUA) at National Irrigation Administration (NIA) ang magiging attached agencies nito.
Bubuo rin ng Water Regulatory Commission para bantayan ang water rates.
Matatandaang lusot na ang panukala sa Committee Level.
Facebook Comments