2 Binata na Naligo sa Cagayan River, Hindi pa rin Matagpuan

Cauayan City, Isabela- Patuloy na pinaghahanap ang dalawang (2) binata matapos maitalang nawawala simula pa nitong nagdaang huwebes, May 14, 2020 pasado alas-tres ng hapon sa Brgy. Pilitan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Jericho Allauigan, isang Grade 11 student at Arjay Concha kapwa 18-anyos at residente ng Brgy. Pilitan sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang nagngangalang Richelle Cabanilla, 24-anyos at residente ng Brgy. Lanna para ireport ang mga nawawalang biktima.


Batay sa salaysay ni Cabanilla, ang dalawang biktima ay nagpaalam sa kanilang mga magulang upang maligo sa kahabaan ng Cagayan River hanggang sa hindi na umuwi ng kanilang mga bahay.

Agad namang nakipag-ugnayan ang pulisya sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at Isabela Rescue para sa isasagawang search and rescue operation.

Paalala naman ng mga awtoridad na ugaliing bantayan ang mga para maiwasan ang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments