2 Menor de Edad, Huli sa Pagbebenta ng Pinatuyong Marijuana

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang menor de edad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 3:30 kahapon sa Brgy. Distrct 3, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Mike at Hanz, kapwa 17-anyos at residente ng Brgy. District 4, Tumauini, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, ikinasa ang operasyon laban sa dalawang suspek matapos na mapagbentahan ng pinatuyong dahoon ng marijuana ng isa sa mga suspek ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P300.


Habang narekober ang isa pang plastic sachet na naglalaman ng marijuana kay alyas Hanz.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang mga menor de edad bago ipasakamay sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek.

Facebook Comments