2 binata patay, 2 kritikal sa pamamaril sa Bacoor, Cavite

Bacoor, Cavite – Patay ang dalawang binata habang kritikal naman ang dalawa pang lalaki nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Bacoor, Cavite.

Dead on arrival sa ospital sina Raphael Jocas Catalan, 17-anyos at Christian Paul Martin, 18-anyos habang patuloy na inoobserbahan sa ospital sina David Dyoco, 51-anyos at Edwin Mallorca, 62-anyos.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nagkukumpulan ang apat na lalaking nag-uusap-usap sa Tito Avenue sa Barangay San Nicolas nang tumabi sa kanila ang isa sa mga salaring bumaba sa motorsiklo.


Isa-isang binaril ng salarin ang grupo bago sumakay ulit sa motorsiklo at mabilis na tumakas.

Posibleng motibo ang away sa gang na kasama ang mga binata kung kaya’t iniimbestigahan din ng Bacoor police ang anggulo ng droga sa pamamaril dahil gumagamit ang dalawang nakatatandang biktima.

Facebook Comments