2 Binata, Timbog sa Paghithit ng Marijuana!

55

*San Mateo, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos na matiklo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina Lemuel Catbagan, 23 anyos, binata, magsasaka, residente ng Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela at Ryan Jay Miranda, 20 anyos, binata, helper, residente naman ng Brgy. Bagumbong, Caloocan, Metro Manila.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang PNP San Mateo mula sa isang concerned citizen kaugnay sa paggamit ng marijuana ng dalawang suspek sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan ang dalawang suspek na humihithit ng marijuana na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa pag-iingat ng dalawa ang isang transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana, isang improvised rolled ng nasindihang marijuana at isang lighter.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers