PhilHealth, aminadong hindi pa nareresolba ang accreditation ng Wellmed Dialysis Center

49

Inamin ngayon ng deputy spokesperson ng PhilHealth na si Rey Balena na hindi pa nareresolba ang withdrawal ng accreditation ng Wellmed Dialysis Center.

Ayon kay Balena, may prosesong sinusunod ang PhilHealth bago tanggalan ng accreditation ang isang klinika na affiliate sa kanila.


Dagdag pa ni Balena, wala pa din daw inilalabas na desisyon ang komite kung kakanselahin o ipagpapatuloy pa ang pakikipagtie-up ng PhilHealth sa nasabing dialysis center.

Plano naman kausapin ni Health Secretary Francisco Duque III ang kasalukuyang OIC ng PhilHealth na si John Basa para linawin ang isyu.

Nabatid kasi na dismayado si Duque sa tagal ng proseso lalo na at magdudulot ito ng kalituhan sa publiko lalo na at ang iba sa kanila ay nasa listahan pa ng Wellmed.

Facebook Comments

From Advertisers