2 binatang naghatid ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, patay sa aksidente

16863
Rio John Abel at Maximino Alcantara III. Photo via Facebook/Batangas State University Files

Nasawi sa aksidente sa daan ang dalawang lalaking nagawa pang makapaghatid ng relief goods sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.


Nanggaling sa evacuees ang mga biktimang sina Rio John Abel at Maximino Alcantara III, parehong 22-anyos, nang mangyari ang insidente sa Banay-Banay, Lipa City, nitong Lunes.

Ayon sa awtoridad, bumangga ang sinasakyang kotse ng dalawa sa likod ng nakaparadang trailer truck.

Sa tindi umano ng banggaan, kinailangan ng mga kagamitan upang mailabas sa sasakyan ang mga biktima.

Base pa sa Facebook post ni Maria Cristina Floren, dating guro ni Abel, nagawa pang tumawag ng biktima na nagsabing ayos lang kahit maputulan siya ng mga paa.

Bumuhos naman ang mga papuri at panalangin sa Facebook para sa dalawang namayapang mabuting-loob.

Facebook Comments