Magsasaka na may Kasong 13 Counts ng Rape, Natimbog

533

Cauayan City, Isabela-Nakatakdang ipasakamay sa Bureau of Jail Management and penology (BJMP)-Ballesteros ang isang lolo matapos silbihan ng warrant of arrest sa kasong kinakaharap na 13 counts of rape sa bayan ng Abulug.

Ayon kay P/Major Joefferson Gannaban, hepe ng Abulug Police Station, taong 2017 ng unang gahasain ng akusado na si Abraham Padyao, 63-anyos ng Barangay San Julian, Abulug ang noon ay 11-anyos na biktima.


Sa kaparehong taon, umabot sa limang beses na ginahasa ng akusado ang biktima na nasundan ng pitong beses noong 2018 at ipinagpatuloy nitong 2019.

Nagkaroon lamang ng lakas ng loob ang bata ng magsumbong ito sa kanyang magulang sa ginawang panghahalay ng kanilang kapitbahay na lolo nitong 2019

Agad namang nagsumbong ang pamilya ng biktima sa kapulisan na dahilan ng paglabas ng warrant of arrest nito at agad na inaresto.

Sinabi pa ni Gannaban na batay sa salaysay ng bata, pinagbantaan umano siya ng akusado kung kaya’t hindi siya nagsalita sa ginagawa sa kanya ng lolo.

Hindi rin umano napansin ng mga magulang ng bata ang naturang panggagahasa dahil sa iba’t-ibang lugar ginagahasa ang anak.

Sa ngayon, inilayo na umano ng mga magulang ang anak sa lugar habang nananatiling nasa kustodiya ng PNP-Abulug ang akusado.

 

Facebook Comments
From Advertisers