2 brgy chairman, patay sa pamamaril sa Zamboanga

Patay ang dalawang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Unang nasawi si Edgardo Viñas, 49-anyos, chairman ng Barangay Dapaon, Sindangan at presidente ng Association of Barangay Captains ng Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Police Regional Office 9 Director Police Brigadier General Emmanuel Luis Licup, katatapos lang ng session nang barilin si Viñas ng hindi nakilalang suspek gamit ang isang long firearm sa ABC Hall sa Barangay La Roche, Sindangan, Zamboanga del Norte.


Tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na damit at pulang helmet sakay ng isang motorsiklo patungong J. Teaño Street sa Barangay Goleo.

Sumunod namang pinatay sa labas ng kanyang bahay si Ibrahim Ungad, chairman ng Barangay New Labangan, Zamboanga del Sur.

Binaril ang biktima ng hindi nakilalang suspek gamit ang isang improvised 12-gauge shotgun.

Tumakas ang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo patungong Barangay Tiguman, Pagadian City.

Kapwa naisugod sa hospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments