3 guro, patay matapos malunod sa Northern Samar

Wala ng buhay nang matagpuan ang tatlong guro matapos malunod sa karagatan ng Palapag, Northern Samar.

Kinilala ang mga guro na sina Artemio Mejos, Jr., James Dulay at Leonard Adarayan.

Patuloy pang hinahanap ng search and rescue team ang isa pang gurong nakilalang si Reynalda Adora.


Ayon sa Northern Samar Police Provincial Office, naliligo sa dagat nitong Sabado ang mga guro nang hampasin ng malaking alon sa Kamatigi-an Beach Rock Formations sa Barangay Cabatuan sa bayan ng Palapag.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments