Cauayan City, Isabela- Hindi lang bayani sa pag-apula ng sunog ang mga Bumbero matapos rumesponde upang tulungan na manganak ang isang ginang sa bayan ng Lasam na hindi na umabot pa sa hospital nitong linggo, Marso 7.
Sa isang pahayag, sinabi ni BFP Regional Director FSSUPT. Rodolfo Piosca Denaga na nagpapatunay lamang ang mabilis at mahusay na pagresponde ng mga miyembro ng BFP region 2.
Ito ay matapos tugunan ni FO2 Nerissa Piñon at FO1 Dustin Bosi, kapwa miyembro ng BFP Lasam sa lalawigan ng Cagayan ang isang emergency call dakong alas-5:50 nitong linggo para isilang ang sanggol ng isang 35-anyos na ginang mula Carabatan West sa nabanggit na bayan.
Si Piñon at Bosi ay nurses by profession matapos aksyunan ang panganganak ng ginang at putulin ang umbilical cord ng sanggol.
Sa huli, tagumpay na naisilang ng ginang ang isang baby boy na kalauna’y idinala sa pinakamalapit na hospital para sa karagdagang atensyong medikal.
Photo: BFP region 2