Muling mangingibang bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Linggo para dumalo sa 50th Japan-ASEAN Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Office of ASEAN Affairs Asec. Daniel Espiritu, aalis ang pangulo sa December 15 at magtatagal hanggang December 18.
Unang aktibidad nito sa December 15 ay ang bilateral meeting kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
December 16 ng gabi aniya ay unang summit engagement ito ay dinner na hosted ni Prime Minister Fumio Kishida sa state guest house palace.
Sa December 17 naman ay buong araw na gaganapin ang summit na magsisimula ng alas-9:30 ng umaga.
Matatalakay rito ang pag-review sa relasyon ng Japan at ASEAN, mapag-uusapan din ang South China Sea, East China Sea, Myanmar, North Korea at iba pang international developments.
Kabilang din sa summit ang gagawing ang people to people exchange partikular student and youth exchange may kinalaman sa genesis program at JICA program.
Matatalakay rin sa summit ang isyu sa climate change, region investment, food at energy security.
Sa December 18 naman bago bumalik ng Pilipinas ay magkakaroon ang pangulo ng dalawang business meetings.
Pero hindi pa idinetalye ni Espiritu ang meetings na ito.