27 OFW na galing Israel, nakatakdang umuwi ng bansa ngayong araw

Nakatakdang umuwi ang nasa 27 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel ngayong araw.

Ayon sa Department of Migrant workers (DMW), ito na ang ika-11 batch na mga OFW na umuwi ng bansa mula sa Israel at ang 25 sa mga ito ay caregivers at dalawa ay hotel workers.

Lalapag sakay ng Etihad Airways flight EY424 sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 sa Pasay City ang mga OFW dakong alas-3:10 ng hapon.


Nakahanda naman na ang tulong mula sa pamahalaan para pa rin sa mga Pinoy na umuwi dahil pa rin sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.

Facebook Comments