2 nakaw na sasakyan, nagkabanggaan

231

Arestado ang isang babae at lalaki na nagkataong nagkabanggaan sakay ng mga ninakaw nilang kotse sa Oregon, USA.

Nangyari ang insidente nang tangkaing takasan ng 27-anyos na si Randy Lee Cooper ang pulisya noong Linggo, ayon sa ulat ng KPTV.


Ninakaw umano ni Cooper ang isang Toyota Land Cruiser na madaling nahanap ng awtoridad matapos na imaneho ng suspek sa lugar.

Sa tangkang makalayo sa pulisya, bumangga ang lalaki sa sasakyang natukoy na ninakaw rin ng nagmamaneho noong si Kristin Nicole Begue.

Napag-alamang tatlong linggo na mula nang maiulat na nawawala ang Buick Regal na sinasakyan ni Begue na lasing umano nang maganap ang banggaan.

Parehong dinakip ang dalawa na nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Facebook Comments