2 Cauayeño na Itinuring na PUI, Negatibo sa novel Coronavirus!

Cauayan City, Isabela- Nag negatibo sa sakit na novel Coronavirus ang dalawang babae na nanggaling mula sa bansang apektado ng nakamamatay na sakit.

Ang dalawa na taga Reina Mercedes at Dinapigue, Isabela na itinuring na ‘person under investigation’ o PUI ay kabilang sa lima (5) na nakitaan ng sintomas ng nCoV sa Isabela na inobserbahan sa loob ng 14 araw.

Una nang pinalabas sa ospital ang 3 na binantayan sa isolated room habang hinihintay na lamang ng 2 ang kanilang labtest result mula sa RITM.


Kaugnay nito, nasa 4 libong flyers at pamphlets ang ipapakalat ng Provincial Information Office sa mga pampublikong lugar, sa mga ahensya ng gobyerno, NGO’s, malls, at sa mga establisyimento upang mabigyan ng kaalaman ang mamamayan kung paano makakaiwas sa naturang sakit.

Gayunman, wala pang naitatala ang DOH Region 02 na may kaso ng nCoV sa lambak ng Cagayan.

Facebook Comments