2 Chinese, 9 na iba pang sangkot sa illegal quarrying sa Pampanga, arestado ng NBI

49

Floridablanca, Pampanga – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labing-isang indibidwal, kabilang na ang 2 Chinese nationals matapos mahuli sa akto ng operasyon ng illegal quarrying sa Floridablanca, Pampanga.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Geng Ping at Ge Wei Chen; gayundin ang negosyanteng si Antonio Buyson.


Una nang nakatanggap ng reklamo ang NBI hinggil sa illegal quarrying operation sa nasabing lugar.

Bunga nito, agad na nagsagawa ng surveillance ang NBI kung saan nga naaktuhan ang mga suspek.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995.

Facebook Comments

From Advertisers