Probisyon ng Metro Manila Council na itaas ang multa sa illegal parking, ibinasura ni PBBM

Hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang probisyon ng Metro Manila Council na itaas ang multa sa illegal parking.

Batay sa Joint Traffic Circular No. 01 ng MMC, itaas dapat sa ₱4,000 ang multa sa illegal parking mula sa ₱1,000.

Gayunpaman, mananatili ito sa ₱1,000 dahil ayon sa pangulo, naniniwala siyang may kakayahan ang mga Pilipino na maging disiplinado.


Bagama’t naiintindihan aniya ng pangulo ang magandang intensyon ng panukala, ay nais ng kaniyang administrasyon na tutukan ang disiplina sa halip na ang pagpapataw ng multa.

Sa pamamagitan aniya ng pagtutok sa indibidwal na responsibilidad ay makakabuo ng pangmatagalang solusyon ang bansa sa matinding problema sa trapiko.

Facebook Comments